Monday, July 9, 2012

Lunes Ng Pagbabago

 Lunes ngayon.Ika-9 ng buwan ng Hulyo.Dala-dala ko ang Bench na towel na sinadya kong bilhin pra lang talaga sa iyo.Andito rin ang mga sign pens na tinawag ko pa sa iyo bago binili ito.Ngunit di ka man lang nagtext o tumawag.Okay lang naman.Dapat nga masanay na ako na ganito ka at ito ako nagmumukhang tanga sa kahihintay sa tawag mo.


Dapat ba akong tumigil na sa pag-asang totoo ka nga?Ayokong husgahan ka pero para bang nauubusan na ako ng rason para mapayapa ang naghihimagsik kong puso.Wari'y nagagalit na sa pagwa-walangbahala mo.


Kagagahan ba itong ginagawa ko?Alam mo bang ikaw ang una kong iniisip paggising ko sa umaga sabay abot sa aking celfon sa pagbabasakaling may mensahe ka.Ngunit tulad ng dati,wala talaga.Sa gabi naman ay ikaw ang huling taong gusto kong sabihan ng "goodnight,sweet dream and  l love you".Pero papaano ko magagawa yon eh di ka man lang ngte-text o nag-a-accept ng tawag ko.


Tama na siguro ito.Huling chance ko na ito na syang binigay ko sa sarili ko upang iibig na sana na naman ng totoo at wagas.Baka nga lang sinusubukan mo lang ang pagkatao ko kaya mo ako naisipang balingan ng atensyon.Okay lang.Gigising rin ang puso ko sa matimding pagkahimbing at ito ay muli na namang titibok sa kung sino mang mangahas na paibigin ako.


No comments: