Tuesday, June 19, 2012

Sa Muli (Ang Apoy I)









 Sa kanyang pagmamadali ay nalimutan na nyang magpaalam pa sa kanyang  mga kaibigan.Dapat kasi maabutan nya ang byahe patungong Camiguin.Nasa malayo-malayong lugar pa naman ang subdibisyon kung saan sya nakatira.Bitbit ang maliit nyang puti na bag ay agad syang nagpatawag ng taxi sa guard.


"Para saan po tayo,mam?", tanong ng drayber.
"Sa port po patungo Camiguin.I need to catch the 8 o'clock fast raft ,manong",aniya nya habang nakatingin sa malayo.


Di sya mapakali kasi di nya maipaliwanag ang excitement na nararamdaman.Magkikita kasi sila ni Blazing Fire.First time nya gagawin ang pagpunta sa isang lugar upang makita ang taong nagpaptibok ng kanyang puso matapos ang unang pagkabigo.Naging mapait ang karanasan nya ng palitan sya ng kanyang unang naging bf.


 Bandang 10 o'clock na ng dumaong ang raft sa piyer.Sa malayo pa lng ay tanaw na nya na nakatayo si Blazing Fire.Naghihintay ito sa may fruit stand at nakangiti.Halos himatayin sya sa lakas ng kabog ng dibdib at sa unang pagkakataon ay parang naduduwal sya.Natatawa na lang sya sa sarili nya kasi  nagtitinginan ang mga tao sa tindi ng pamumula ng kanyang mga pisngi.


" Kanina ka pa,beh?",ang syang tanong nya.Di nya inaasahang mahihiya pa sya sa kanya pro sa oras na iyon ay di nya maipaliwanag ang tinding pagkahiya.


"Bago pa lang,beh", sagot ni Blazing Fire na nagulat sa inasal ni Demise.


 Walang imik na kinuha ni Blazing Fire ang kanyang bag at hinawakan ang kanyang kamay at hinila sya sa naghihintay na sasakyan sa bandang unahan.


 "Kumain ka na,beh?Kasi ako di pa....Sabay na lang tayo sa Station..Nagpaluto ako"
 "Kumain na ako.Di ba I have been telling you na I never leave the house without eating my breakfast,beh?",nakangiti sya ng sumagot.


 Napatingin si Blazing Fire sa kanya kasi biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Demise.Nag-relax na ang dati pilit na paghinga sa tindi ng kaba ng dibdib.Huminto sa paglalakad si Blazing Fire at tiningnan ng matagal si Demise.


 "Ano?", tanong ni Demise.Ngunit di sumagot si Blazing Fire at bigla na lang hinalikan nya si Demise sa noo....sa talukap ng mga mata at sa huli ay sa mga labi.


 "Na-miss kita,beh...sobra sobra...", bulong ni Blazing Fire habang niyayakap sya ng buong higpit.Napayakap na rin si Demise sa kanya.


 "Na-miss din kita,beh....akala ko di na kita muli pang makikita", ang syang bungat ng kanyang bibig at di nya namalayan na tumulo na ng lubusan ang mga luha na ilang araw na nyang pinipigilan.


 "Bakit ka umiiyak?", ang maamong tanong ni Blazing Fire.Ngunit di makasagot si Demise dahil parang nawala lahat ng mga gusto nyang sabihin.





*itutuloy*
                           

No comments: