June 25,2012
..bored ako kaya naisip kong magbasa ng blogs ng iba and I stumbled upon this by 25pesoscupnoodles:
Pag-aalinlangan (iN-LaB kA ba TaLaGa)?
“hayaang panahon ang magpahayag ng iyong tapat at wagas na pag-ibig”
Nandiyan ka na ba?
Inaantay kasi kita.
May nais akong sabihin sa iyo,
Sana nga nariyan ka na.
Tungkol ito sa pahayag mo,
‘Diba sabi mo mahal mo ako?
Nagtaka talaga ako,
Alam mo ba kung bakit?
Sigh……
Ang bilis mo kasing magmahal,
Alam mo namang’ may usapan tayo.
Sa una pa lang nagkasundo na tayo,
Bawal “ma-inlove”, hinde ba?
Na love-at-first-sight ka ata,
Diba hinde mo pa ako nakikita?
O baka sa sulat ko nabighani ka?
Totoo nga bang in-love ka?
Ganyan ka ba talaga?
Hinde naman kasi biro ang magmahal,
Lalo sa taong, ni hinde pa nakikita.
Sa ‘di mo kakilala, at lalo pa’t sa ‘di mo nakasama.
Kung nariyan ka nga, nais kong itanong ‘sayo,
Ang pag-ibig mo bang inihayag ay wagas at tapat?
Sa palagay ko’y tanging panahon lang ang makakapagsabi….
No comments:
Post a Comment