Thursday, June 21, 2012

Ang Walang Humpay Na Paghihintay (Ang Apoy III)

  Hindi ko akalain na ganito ako katanga pagdating sa pag-ibig.


 Sino ba ang mag-aakala na si Demise,matapang at di naman ganoon kabobo,ay bagsak pagdating sa usapang damdamin.


 Kahapon lang ay di nya pinansin ang tindi ng pagod pagkatapos ng isang araw sa opisina upang maghintay sa pangakong text message na syang magsasabi sa kanya kung uuwi na ba sya diretso ng bahay o magkakaroon ng pagkakataon na makapiling si Blazing Fire.


 Sa huli kasi nilang usapan ay sabi nito na hihintayin nya ang mensahe.Naghintay naman ang lukaret (dapat lang naman tawagan sya nyan,di ba?..o baka mas bagay ang salitang "gaga" sa kanya).Dalawang oras syang palibot-libot sa mall.Naglalakad na parang may pakay doon pero halata namang tulala sya.Pilit kasi nyang maging sensitibo ang pandinig sa dalawa nyang fon.Malipas ang nakakapagod na isang daang minuto ay saka pa sya nagpasyang umuwi na lang.Di nya alam kung ano ang gusto nyang maramdaman.Di naman kasi ganito si Fire Horse.Iba kasi iyon.Bukod sa isa iyong matalik na kaibigan ay pede nya itong kulitin ng kulitin.Di rin ito ang tipong nagpapahintay kay Demise.Alam kasi ni Fire Horse na naiinis si Demise sa ganoong sitwasyon.Pero wala na si Fire Horse.Pinili ni Demise si Blazing Fire.Di na sila nag-uusap.Kung dati ay gabi-gabi nag-uusap ang dalawa ay ngayon wala na talaga.Pilit pinakiramadaman ni Demise kung na-miss ba nya si Fire Horse.Pero ang sagot ng kanyang puso at isipan ay hindi.Hindi na talaga.Paano ba nya ipipilit ang sarili sa isang kaibigan na hanggang doon lang talaga ang gusto.


  Maaga natulog si Demise.Pilit nyang iwalang-bahala ang di pagtupad ni Balzing Fire sa pangako.Okay lang,sabi nya sa sarili pro ang totoo ay nasasaktan na sya.Alas dyes ng gabi ng magising sya tindi ng sakit ng dibdib at halos masuka sya sa sakit nito kaya bumangon sya at pinailawan ang kwarto dahil para ba syang hinahatak sa dilim.Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman nya ito.Di nya maipaliwanag ang tindi ng sakit.


 Kung pede lang sana matawagan nya ang kanyang kaibigan pero sigurado syang lalo lang itong magagalit sa kanya kasi kabilinbilinan nito na mananagot ang sino mang magpapaiyak sa kanya.Paano na ngayon?


  "Ahh..bahala na", bulong ni Demise sa sarili.Tama na ang minsan sya nagmahal.Gaga na kung gaga pro ito na talaga ang huling pagkakataon na iibig sya.Di man sya nagtagumpay ay sapat na naging masaya sya sa bilang na pagkakataon na iyon.

                                          

No comments: