Wednesday, June 20, 2012
Nasa Alapaap Na Ba Ako? (Apoy II)
Mahal kita,Blazing Fire..
Para sa akin, ay para kang apoy na nag-aalab sa kaloob-looban ko at pilit inaangkin ang buo kong pagkatao.
Alam kong di mo ako kayang mahalin ngunit nagbabasakali pa rin ako na sa kabila ng lahat ay matutunan mo rin akong ibigin pagdating ng panahon.
Sana ay magkikita tayo ngayon upang muli kong masilayan ang iyong mga matang nangugusap at parang nagsasabi sa mga katagang gusto kong marinig noon pa.
Subali't ang lupit ng tadhana.Kung di man kita makita ngayon,sana ay pahintulotan ng panahon na muli kitang makapiling kahit ilang sandali lamang.
Sadyang kay hirap magmahal,ano? Pero bakit ba kadalasan ay di napipigilan o namamalayan ng isang tao na unti-unti na pala itong nahuhulog?Ito ba ay biro ng tadahana o ito ay nakalaan na sa ating mga palad na pagtagpuin ang ating mga landas?
Nakakalito talaga.Nakakapaghinayang. Pero ang sarap ng pakiramdam tuwing naalala natin ang taong nagpapatibok ng ating mga puso na wari'y nagpapngiti ng walang hanggan.
Habang iniisip kita ngayon ay para bang nasa alapaap na ako...Sana...oh, sana ay makita kita ngayon.Gusto ko lang naman kitang yakapin eh..at gusto ko lang naman na marinig na bigkasin mo ang aking pangalan.Mahirap ba yon?
Ahh..tama na ito..Di na ako hihingi pa ng mas higit pa sa kaya mong ibigay na panahon.Ayoko kasing nahihirapan ka kahit konti.Ano ba itong nangyayari sa akin?Sa unang pagkakataon ay nagiging malambot at pasensyosa ako.Di naman ako ganito eh.
Pero paano ko ba malalaman ang nilalaman ng iyong puso kung ayaw mo namang buksan ito? Sapat na ba sa iyo na manatiling ako lang ang nagsasabi ng katagang, "I love you"?Naisip mo ba kahit minsan na gusto ko ring marinig ito mula sa iyong mga bibig habang ako ay iyong hinahagkan o niyayakap habang hinahaplos ang aking likod?
Siguro kung mangyari iyon ay nasa alapaap na ako.....hahaaayy..
* itutuloy*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment