Thursday, June 28, 2012
Sa Aking Pagtulog
Takipsilim.
Nagsisimula ng umuwi ang mga tao sa kani-kanilang bahay.Sa buong maghapong pagta-trabaho ay langit na ang isiping sa wakas ay makakauwi na ako.Ngunit ang aking mga hakbang ay parqang sobra ang bigat kasi ang tahanan ko ay simbolo na ng pait at luha.
Kung di lang sa tatlong kerubim na nakatira doon ay di na ako uuwi.Sila lang naman ang dahilan sa aking pagsisikap ngayon.
Sa umaga ay parang ang hirap bumangon.Minsan ayoko na nga ang bumangon.May mga araw na ayokong magising na lang sana.Bakit pa ba ako buhay ngayon?Di ba dapat wala na ako kasi wala ng silbi buhay ko.Patay na puso ko at kasama nito ang mga pangarap na binuo ko kasama ang taong ginagago lang ako.
Ngunit sa di inaasahan na pagkakataon ay may nakilala ako.Minulat nya ang aking isipan at puso na di sinasadya.
Natatakot ako sa bawat araw na dumarating.Namamalayan ko kasi na may nabubuong damdamin ako para sa kanya.Ang hirap hirap.Naiiyak ako tuwing nararamdaman ko ang lubhang pagkabagot habang hinihintay ang tawag nya.
Ilang oras na lang,gagabi na naman.Di ko na alam kung ano ang gagawin upang makatulog agad upang iwasan ang isipan sya.Ngunit kahit anong himbing ko ay nagigising rin lang naman ako eh.Minsan sa hatinggabi at wari ay ang sikip sikip ng aking dibdib.Naiiyak na lang ako sa mga oras na naalala sya kasi para itong isang sumpa na nagsasaad ng aking habambuhay na pagkabilanggo sa nararamdaman kong ito.
Gusto ko ng maging malaya.Gusto ko ng magmahal ng buong-buo.Pero papaano ako makakaalis sa seldang kinalalagyan ko ngayon?Anong klaseng parusa ito?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment