Nakakatuwang isipin pero magdadalawang taon na akong naglalakad mula gate ng aming subdibisyon hanggang sa soccer field para lang makita kang tumatakbo sa lahat ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.
Malayo pa ay tanaw na kita sa suot mong puting t-shirt at shorts.Di ko alam kung ito ba talaga paborito mong suot o ito ay bahagi ng iyong kalinisang nakikita ko kahit anong layo mo.Ang iyong singkit na mata ay nakangiti na kahit ang iyong mga labi ay hindi pa.
Uma-umaga ay sinasalubong mo ako ng iyong bati,"Magandang umaga.Ingat ka ha".Sa simpleng bati na iyon ay nakakabuntong-hininga ako bago makasagot.Di ko alam kung bakit.Di naman kita kilala.Sa tindig mong anim na talampakan ay lalo kang kahangahanga.
Kaninang umaga ay may kasama ka na tumatakbo rin.Alam kong matutuwa ka sa suot ko kaya minabuti kong makita mo.Di ako nagkamali dahil ng masalubong mo ako ay nautal ka bago nakapagsalita.Sabi mo,"Magandang umaga..hoy..ingat ka huh",habang hinangod mo ng tingin ang buo kong katawan."Opo..kayo din po",ang syang sagot ko at di ako makapigil sa aking tuwa.Napangiti ako dahil alam kong kahit mga babaeng "joggers" ay naiinggit sa katawan ko kahit di nila ako nakikitang tumatakbo sa circle ay nakaya kong panatilihin ang hubog nito.
Pero paano na ito?Bukas ay Sabado na.Wala akong pasok...ARRRRggghh
No comments:
Post a Comment